Ang Diborsyo ay matagal ng usapin at pinag dedebatihan ng mga mambabatas sa Pilipinas. Tayo na lamang kasama ang Vatican City ang nananatiling illegal sa diborsyo. Ngunit bago ko bigyang diin kung bakit kailangang ipasa ito sa ating bansa, ano nga ba muna ang diborsyo?

Ito ay ang pagsasawalang bisa ng kasal ng mag-asawa. Ang proseso nito ay magsisimula sa pagoobserba sa mag-asawa sa ilalim ng anim na buwan bilang huling pagsasama upang magkasundo. Kasama din sa panukalang batas na ito ang usapan sa dalawang panig ukol sa pangangalaga sa mga anak, paghahati ng mga pag-aari ng mag-asawa, at "alimony" o pera na matatanggap ng isang asawa.

Sa aking palagay ang pagpapatupad ng diborsyo dito sa Pilipinas ay magdudulot ng malaking epekto sa bawat mag asawa, simula nuong unang panahon hanggang ngayon, walang perkpektong relasyon at ang diborsyo ang magbibigay daan sa kanila upang magsimula ulit bilang indibidwal kung saan, maaari silang makihalobilo ulit sa ibang tao ng walang nasasaktan. Ang diborsyo ay nakakatulong upang magkaron ng kalayaan ang isang taong hindi na masaya sa kanilang pagsasama at naniniwala din ako na ang diborsyo ay daan para maresolbahan ang marital problems, bukod dito ito ay mas mura kumpara sa annulment.


This free site is ad-supported. Learn more